Mr. Santa

"Hindi pa ako nakakarinig ng isang Pasko kung saan hindi dumating si Santa Claus,"

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMr. Santa

Si Santa Paradise Yamamoto, 58, isang authorized Santa Claus ng Greenland Santa Claus Association,ay nag-pose para magpakuha ng litrato suot ang Santa Claus costume sa kanyang Gyoza Restaurant sa Tokyo.

Si Yamamoto ay nagi-impersonate kay Santa sa loob ng 23 taon, at kumukuha ng taunang certification test na kanyang sinasabing hindi madali,   “Inobserbahan kung gaano ako kabilis kumain ng mga ginger biscuits, umakyat sa mga chimney, at tumawa ng malakas at masayang ‘Ho, ho, ho,'” aniya.

Nais ni Yamamoto tiyakin sa mga bata na darating pa rin si Santa sa kanilang mga bahay ngayong Pasko. “Hindi pa ako nakakarinig ng isang Pasko kung saan hindi dumating si Santa Claus,” saad niya. “Maaari kong subukang makarating sa iyong mga bahay sa pamamagitan ng ibang ruta mula sa dati, ngunit tiyak na bibisitahin ko ang mga tahanan ng bawat isa – pagkatapos, syempre, ng paghuhugas ng aking kamay, pagmumog, pagdi-disinfect ng soles ng sapatos ko, at magsasagawa ng mga tamang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. ”

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund