TOKYO – Inilunsad ng Tokyo Metropolitan Police ang isang imbestigasyon matapos madiskubre ang mga bangkay ng isang matandang mag-asawa sa loob ng kanilang tirahan sa Lungsod ng Machida noong Biyernes, iniulat ng Sankei Shimbun (Nob. 28).
Bandang 2:10 ng hapon, si Makoto Kubo, 75, at ang kanyang asawang si Masako, 73, ay natagpuang nakahandusay sa loob ng tirahan ng kanilang anak na babae. “Parehong patay ang aking mga magulang,” sabi niya nang mag-report sa mga pulis.
Agad na dumating sa tirahan ang mga awtoridad kung saan natagpuan sina Kubo at ang kanyang asawa na nakahiga sa kama, kung saan idineklara na parehong wala ng buhay ang mag-asawa.
Ang leeg ni Masako ay kinakitaan ng mga palatandaan ng pagsakal. Pareho silang pinaniniwalaang namatay ilang araw bago natagpuan, pahayag ng Machida Police Station.
Ang front door ng unit ay naka-lock, at walang mga palatandaan ng sapilitang pagpasok. Ang tila isang suicide note ay natagpuan sa loob, dagdag pa ng mga pulis.
Ang anak na babae, na nakatira sa isang magkakahiwalay na lokasyon, ay bumisita sa bahay ng mga magulang matapos hindi ma-contact ang mga ito ng ilang araw.
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng mag-asawa.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation