Mag-ina , patay, matapos tamaan ng tren

Sa pasusuri sa kuha ng security camera ang mga mag-ina ay dumating sa istasyon isang oras bago naganap ang insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

TOKYO – Isang matandang babae at ang kanyang anak na babae patay matapos mahagip ng rumaragasang tren ng Odakyu Line sa Lungsod ng Machida at pinaniniwalaang nag-suicide ang mag-ina noong Sabado, ayon sa mga awtoridad at iniulat ng Tokyo Shimbun (Nob. 29).

Bandang 11:10 ng gabi, ang matang babae na nasa edad na 80s at ang kanyang anak na babae, edad 50s, ay sabay na lumundag sa harap ng rumaragasang tren ng Odakyu Line Express sa Tamagawagakuen-mae Station.

Ayon sa Machida Police Station, ang mag-ina ay kumpirmadong dead on the spot.

Sa pasusuri sa kuha ng security camera ang mga mag-ina ay dumating sa istasyon isang oras bago naganap ang insidente.

Nakita sa cctv footage na pumila nang magkakasama ang mag-ina sa platform bago tumalon sa harap ng tren.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund