Fishing boat na tinangay ng 2011 Tsunami, natagpuan sa Hachijo Island

Nagawa ng lokal na fishing cooperative na mahila ang bangka kinaumagahan papunta ng pantalan gamit ang mga lubid.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Isang fishing boat na natangay diumano noong Marso 2011 tsunami, matapos ang Great East Japan Earthquake ay natagpuan sa Isla ng Hachijo nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa Hachijo Island Fisheries Cooperative, ang abandonadong bangka ay kabilang sa mga pag-aari ng isang kooperatiba ng pangisdaan sa Lungsod ng Kesennuma, Prepektura ng Miyagi, iniulat ng Fuji TV.
Noong gabi ng Disyembre 10, namataan ang nasabing bangka na inaanod malapit sa daungan ng Yaene — humigit kumulang na 650 kilometro mula sa Kesennuma. Nagawa ng lokal na fishing cooperative na mahila ang bangka kinaumagahan papunta ng pantalan gamit ang mga lubid.

Ang bangka ay may sukat na limang metro ang haba at gawa sa fiber-reinforced plastic. Bukod dito, maraming corals ang natagpuang nakadikit sa ibang bahagi ng fishing boat.

Pinaplano ng kooperatiba na madispose and nasabing bangka sa Hachijo Island.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund