OSAKA- Inaresto ng kapulisan ng Sakai, Prepektura ng Osaka ang isang 45 taong gulang na babae sa salang attempted murder at panunununog, sinasabing pinagsasasaksak ng ginang ang kanyang 50 taong gulang na asawa habang ito’y natutulog at at matapos kanyang sinunog ang kamang inutulugan nito.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap dakong alas 3:00 ng madaling araw ng Linggo, iniulat ng Fuji TV. Ang babae na kinilalang, si Michiyo Katsuura ay sinaksak ang tiyan ng kanyang asawa at pagkatapos ay gumamit ng lighter upang sunugin ang kama nito. Ang ina ni Katsuura, na nakatira kasama ang mag-asawa, ay nakakita ng apoy na nagmula sa pangalawang palapag ng silid-tulugan at agad tumawag sa 119.
Napuksa ang apoy 30 minutos matapos ang insidente. Agad na sinugod sa ospital ang asawa ni Katsuura, kung saan sinabi ng mga doktor na ligtas na sa panagnib ang lalaki. Si Katsuura at ang kanyang ina ay pawang ligtas sa sunog.
Ayon pa sa mga awtoridad, nanatiling tikom ang bibig ng suspek.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation