Tatlong katao, inakusahan sa pananasak ng isang matanda

“ Nakasaksak ako ang isang tao. Gumamit ako ng kutsilyo upang saksakin (ang tao). " ani ng isang babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA – Inaresto ng Osaka Prefectural Police ang tatlong katao dahil sa umano’y pananaksak at pagpatay sa isang matandang lalaki sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Osaka, ulat ng Mainichi Broadcasting System (Nob. 25).

Bandang 8:20 ng gabi, nakatanggap ang pulis ng tawag mula sa isang babae na nagsabing, “ Nakasaksak ako ang isang tao. Gumamit ako ng kutsilyo upang saksakin (ang tao). ”

Isang lalaki ang namatay sa kanyang tahanan sa Sumiyoshi Ward nuong Martes ng gabi. (Twitter)

Ang mga pulis na nakarating sa tirahan sa lugar ng Sumie ng Sumiyoshi Ward ay natagpuan ang lalaki, na may edad na 70, na nakahadusay ibabaw ng futon at duguan mula sa mga saksak sa dibdib.

Ang lalaki ay kalaunang nakumpirma na namatay sa isang ospital, ayon sa mga pulis.

Nang gabing iyon, kinasuhan ng kapulisan si Masami Kageyama, 42, walang trabaho, ng tangkang pagpatay. Kinabukasan, inaresto nila sina Tetsuzo Maekawa, 53, at Masao Takao, 37, sa salang pagpatay.

Hindi isiniwalat ng pulisya kung ang alinman sa tatlong mga suspect ay umamin sa mga paratang.

Ang lahat ng apat na tao ay pinaniniwalaang pawang magkakakilala. Ang bawat isa sa tatlong mga pinaghihinalaan na dating naninirahan sa bahay o kasalukuyang duon din nanunuluyan, dagdag pa ng mga pulis.

Bilang karagdagan sa isinasaalang-alang kung babaguhin ang kaso laban kay Kageyama sa pagpatay, iniimbestigahan ng kapulisan ang mga pangyayaring humantong sa insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund