Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na lumulutang sa Manazuru

Ayon sa Coast Guard, ang lalaki ay pinaniniwalaang nasa edad 30 o 40. At tinatayang may halos 160 sentimetro ang taas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KANAGAWA – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang sa baybayin ng Bayan ng Manazuru noong Martes, ipinahayag ng mga lokal na awtoridad, iniulat ng Kanagawa Shimbun (Nob. 24).

Bandang 8:40 ng umaga, inalerto ng kapitan ng isang fishing boat ang isang kooperatiba ng pangingisda tungkol sa bangkay, na nakita na lumulutang mga 2,800 metro mula sa Manazaru Lighthouse.

Ayon sa Coast Guard, ang lalaki ay pinaniniwalaang nasa edad 30 o 40. At tinatayang may halos 160 sentimetro ang taas.

Ang lalaki ay pinaniniwalaang may 3 araw ng patay bago ang pagtuklas. Walang mga personal na pag-aari ang natagpuan.

Ang katawan ay nakasuot ng kulay abong pantalon at itim na sports shoes. Walang mga palatandaan ng anumang panlabas na sugat.

Ang Coast Guard ay nagiimbestiga upang makilala ang bangkay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund