Noong gabi ng ika-31 ng Oktubre, isang lalaking Pilipino ang naaresto sa Ichikawa City, Chiba Prefecture, dahil sa hindi pag pansin sa red light at lumiko sa intersection ang kanyang motorsiklo at nakabangga ng mag-ina na naka-bisikleta.
Si Garcia Kevin King Parnes (21), isang mekaniko na may nasyonalidad ng Pilipinas na naninirahan sa Matsudo City, ay naaresto sa hinalang reckless driving resulting to injury.
Pagkalipas ng 10 ng gabi sa ika-31, pumasok si Parnes sa intersection ng Ichikawa City Kokubu sakay ang motorsiklo, hindi siya tumigil kahit naka pula ang ilaw ng stop light at nabangga ang ginang (40) at anak na babae (5) na nagbibisikleta.
Ayon sa pulisya, ang ina ay malubhang nasugatan, tulad ng sirang pelvis, ngunit wala naman panganib sa kanyang buhay, at anak ay bahagyang nasugatan. Inamin ni Parnes na “walang duda na hindi niya pinansin ang pulang ilaw kaya’t nabunggo niya ang mag ina.”
Join the Conversation