Hapon at Pinay arestado sa pagbebenta ng droga sa Ama City, Aichi

Isang 55-taong-gulang na lalaking Hapon at isang 43-taong-gulang na Pilipinong babae ang naaresto dahil sa pagbebenta ng mga stimulant drugs sa isang lalaki sa Ama City, Aichi #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHapon at Pinay arestado sa pagbebenta ng droga sa Ama City, Aichi

Isang 55-taong-gulang na lalaking Hapon at isang 43-taong-gulang na Pilipinong babae ang naaresto dahil sa pagbebenta ng mga stimulant drugs sa isang lalaki sa Ama City, Aichi Prefecture sa isang buy bust operation na isinagawa ng pulisya.

Ang mga taong naaresto ay si Hiroyuki Sasaki (55), self employed sa Naka-ku, Nagoya, at Ito Emmy Agrabande (43), nagtatrabaho sa isang restaurant.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay pinaghihinalaang nagbenta ng 0.2 gramo ng stimulant drugs sa isang lalaki sa Ama City kapalit ng 10,000 yen noong Oktubre 4 sa isang parking lot na malapit sa kanyang bahay. Hindi isiniwalat ng pulisya kung inamin ba o  o hindi ng dalawa, ngunit halos 80 gramo ng stimulant drugs at 5 milyong yen na cash ang nakumpiska mula sa kanilang mga tahanan. Itinutuloy ng pulisya ang pagiimbestiga sa nagkasalang partido, na hinihinalaang si Sasaki ay konektado sa isang organized crime group .

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund