HOKKAIDO – Tila maayos ang lahat – hanggang sa oras na magbayad ng bill.
Inaresto ng Hokkaido Prefectural Police ang isang 46 taong gulang na lalaki na hindi nagbayad ng kanyang bill sa isang restawran sa Lungsod ng Sapporo matapos ng pagkain na umabot halos buong araw, ulat ng Fuji News Network (Nob. 9).
Bandang 7:25 ng umaga noong Nobyembre 8, ang hindi pinangalanang lalaki, construction worker, ay dumating sa restawran at nag-order ng isang set agahan, na may kasamang toast na may keso.
Nanatili siya sa restawran sa pagitan ng agahan at tanghalian, at sa oras na iyon ay muli itong nag-order. Nang oras na ng hapunan, umorder ulit siya ng ilan pang putahe mula sa menu.
Dakong alas-10:50 ng gabi, higit na sa 15 oras – at walong order ng pagkain – mula ng mag-simula ang lalaki, tumawag siya ng isang ambulansya. “Nararamdaman kong nangangati ang buong katawan ko,” aniya sa mga oras na iyon.
Sa pagdating ng mga emergency personel, ang lalaki ay hindi sumakay sa ambulansya. At nang hindi niya mabayaran ang bill na ¥3,007 yen, isang miyembro ng staff ang tumawag sa kapulisan.
Nang siya madampot at nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa salang fraud, natuklasan na siya ay meron lamang halos ¥20 yen. “Kung ano ang nakasulat sa arrest warrant ay isang kasinungalingan,” sinabi niya sa kapulisan.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation