KANAGAWA – Ang Kanagawa Prefectural Police ay naglunsad ng isang malawakang imbestigasyon matapos matagpuan ang bangkay ng isang babae sa tabing – riles sa Lungsod ng Hiratsuka noong Lunes, iniulat ng Kanagawa Shimbun (Nob. 9).
Dakong 12:40 ng hapon, nakita ng drayber ng isang tren ng JR Tokaido Line ang bangkay sa tabi ng riles sa lugar ng Banyuhoncho.
Ang Hiratsuka Police Station ay umaksyon upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng babae. Pinaniniwalaang ito ay may edad na.
Bagaman ang babae ay pinaniniwalaang nasagasaan ng isang tren, ang sanhi ng pagkamatay ay kasalukuyang iniimbestigahan pa, pahayag ng mga imbestigador.
Ayon sa East Japan Railway Co., ang insidente ay nagdulot ng pagkasuspinde ng 12 linya sa parehong direksyon at ikina-antala ng humigit-kumulang na 6,500 na mga commuter.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation