Empleyado ng Subway Station, nasakote dahil sa pagnanakaw sa isang pasahero ng JR Train

Hindi ko naaalala (ang pangyayari)." giit ng suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng mga tauhan ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 36 taong gulang na lalaking empleyado ng subway station dahil sa salang pagnanakaw ng wallet mula sa isang commuter sa loob ng tren ng ibang kumpanya, iniulat ng Fuji News Network (Nob. 2).

Mabilis na naisip ng commuter na videohan si Kuniharu Hirasawa, isang empleyado ng Tsukishima Station sa Toei Oedo Line, habang isinisagawa nito ang pangdudurukot.

&nbspEmpleyado ng Subway Station, nasakote dahil sa pagnanakaw sa isang pasahero ng JR Train

Pasado hatinggabi noong Oktubre 31, habang lulan ng train, dinukutan diumano ng suspek ang pitaka ng isang lalaking pasahero habang natutulog ito sa byahe ng JR Keihin Tohoku Line.

“Hindi ko naaalala (ang pangyayari).” giit ng suspek habang nagpapaliwanag sa mga pulis at mariing itinatanggi ang mga paratang sa kanya.

HULI SA AKTO

Bago ang insidente, tumayo ang suspek sa harap ng upuan kung saan natutulog ang biktima.

Sa di kalayuan , isang lalaki na nagsisimulang ivideo ang mga pangyayari gamit ang kanyang smartphone matapos niyang makita si Hirasawa, ” sadyang kahina-hinala ang kanya mga pagkilos.” Pahayag ng witness ng mapanayam niya ang network.

Sa footage na ipinakita ng network, unang namataan ni Hirasawa ang pitaka ng biktima na mahimbing ang pagkakatulog ng mga oras na iyon. At matapos maisagawa ang pagnanakaw, mabilis niya itong itinago sa pagitan ng likuran ng upuan at ng nagtutulog na biktima.

Pagdating ng tren sa JR Nippori Station, mabilis na dinukot ni Hirasawa sa bandang likuran ng biktima k ang sinasabing dinukot na wallet at bumaba ng tren.

Habang ang witness ay maingat siyang sinundan habang patuloy nitong kinukunan ng vdeo ang suspek gamit ang kanyang smartphone. Samantala, isa pang lalaki ang sumungkab kay Hirasawa sa platform, matapos ang ilang minutong paglaban at pagpupumalag, sumuko din ang suspek kalaunan.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund