Ang Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide ay umalis patungo sa Vietnam at Indonesia sa kanyang kauna-unahang paglilibot sa ibayong dagat mula nang maupo siya sa puwesto.
Sa apat na araw na paglilibot, nakaiskedyul si Suga upang makilala ang Punong Ministro ng Vietnam na si Nguyen Xuan Phuc at ang Pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo. Magbibigay siya ng talumpati tungkol sa mga patakaran ng Japan tungo sa ASEAN sa isang unibersidad sa Hanoi sa Lunes.
Bago umalis ng Haneda Airport sa Tokyo noong Linggo, sinabi ni Suga sa mga mamamahayag na nais niyang makipag-usap sa mga pinuno tungkol sa pagpapalalim ng relasyon ng Japan sa dalawang bansa pati na rin sa ASEAN.
Sinabi niya na ang ASEAN ay isang mahalagang kaalyado para maisakatuparan ang malaya at bukas na Indo-Pacific na nilalayon ng Japan, at ipapaliwanag niya na ang Japan ay nakatuon sa pag-ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon.
Ito ang magiging unang paglalakbay sa ibayong dagat ng Punong Ministro ng Japan mula nang magsimula ang pandemya ng coronavirus.
Nilimitahan ng gobyerno ang bilang ng mga kawani na naglalakbay kasama ang Punong Ministro. Si Suga at ang mga opisyal ay natest para sa coronavirus. Bibigyan din sila ng mga tests sa kanilang pagbabalik sa Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation