IBARAKI – Pinasok at pinagnakawan ang tahanan ng isang empleyado ng lokal na pamahalaan sa Lungsod ng Shimotsuma , Prepektura ng Ibaraki noong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa mga pulis, ang kaha de yero ay naglalaman ng humigit-kumulang 22 milyong yen na cash, iniulat ng Sankei Shimbun.
Ang 59 taong gulang na may-ari ng kaha ay nag-report sa kapulisan tungkol sa nangyaring nakawan sa kaniyang tahanan bandang 11:30 ng umaga.
Ang lalaki ay nakatira kasama ng kanyang ina, asawa at anak. Sinabi ng mga pulis na lumabas siya kasama ang kanyang ina at anak bandang 8:30 ng umaga at naiwan ang kanyang asawa, na nasa labas ng bahay sandali, pagbalik at pagpasok sa loob ay agad nitong napansin na ang silid ay nasamsam at wala na din ang safe.
Ang kaha de yero, na may bigat na halos nasa 20 hanggang 30 kilo, ay natagpuan na nakabukas sa kalapit na kakahuyan at wala nang laman.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation