Ang aktor na si Kentaro Ito, arestado sa hit-and-run sa Tokyo

Sinabi din ng mga pulis na hindi nakainom o lasing si Ito sa oras ng insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng kapulisan ng Tokyo ang 23 taong gulang na aktor na si Kentaro Ito nitong Huwebes sa salang Dangerous Driving resulting to injury at paglabag sa
Road Traffic Law, matapos sumalpok ang kaniyang minamanehong sasakyan sa isang motorsiklo kung saan napinsala ang isang lalaki at babae.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente sa Shibuya Ward bandang 6:00 pm. Miyerkules, iniulat ng Fuji TV. Salaysay ng isang saksi sa mga pulis, nag-U TURN si Ito sa intersection kung saan bumangga ito sa parating na motorsiklo lulan ang isang lalaki at babae na ppawang mga nasa edad 20. Nagtuloy-tuloy ang pagandar ng sasakyan ni Ito ngunit makaraan ang minuto bumalik din ito sa pinangyarihan ng akaidente.

Ang lalaki ay nagtamo ng pinsala sa magkabilang braso habang ang babae naman ay nabalian ng paa, ayon sa mga pulis, habang si Ito ay ligtas at walang galos.

Sinabi din ng mga pulis na hindi nakainom o lasing si Ito sa oras ng insidente.

Isang dating modelo, si Ito ay sumikat sa kanyang pag-ganap sa drama 2019 NHK na “Scarlet.”

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund