Isang ginang ang pinaniniwalang sinaksak ang anak bago mag-bigti sa Suginami

Mayroong natagpuang duguang kutsilyo ang mga pulis sa loob ng tahanan na pinaniniwalaang ginamit ng ginang sa krimeng ginawa sa sariling anak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – pinag-sususpetsahan ng Tokyo Metropolitan Police na ang 35 anyos na ginang ay sinaksak ang kanyang dalawang anak bago kitilin ang sariling buhay sa kanilang tahanan sa Suginami Ward nitong Lunes, ayon sa ulat ng NHK (Oct. 5).

Bandang alas-10:30 ng umaga, tumawag sa emergency services ang asawang lalaki mula kanilang tahanan na nasa Ward ng Wada. “Ang aking asawa ay walang malay at may saksak ang aking dalawang anak,” ayon sa lalaki.

Ang mga kapulisan na rumisponde sa lugar ng pinangyarihan ay natagpuan ang isang batang babae (7), at isang batang lalaki (5) na naka-handusay sa higaan at duguan mula sa sugat na pinaniniwalaang mula sa pag-saksak.

Isang ginang pinaniiwalaang sinaksak ang mga anak bago kitilin ang sariling buhay. (Twitter)

Ang dalawa ay parehong walang malay nang dinala sa ospital kung saan ay kalaunan silang dineklarang wala ng buhay.

Samantalang ang ginang ay natagpuang naka-bitin. Kalaunan siya rin ay kinumpirmang wala ng buhay sa ospital, ayon sa mga taga-Suginami Police Station.

Ang asawang lalaki ay naninirahan sa ibang bahay. Nakita niya lamang ang nangyari nang siya ay bumisita rito.

Natagpuan ng mga pulis ang isang duguang kutsilyo sa loob ng nasabing tahanan, ayon sa Mainichi Shimbun (Oct. 5).

Ayon sa mga pulis, mayroon ng record  na nakapag-kunsulta na ang mag-asawa sa mga kinauukulan tungkol sa kanilang pag-sasama nuon.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund