Isa nating kakabayan patay matapos magbanggaan ang truck at kanyang minamanehong motor

Noong gabi ng ika-28 ng Setyembro, isang motorsiklo at truck ang nagsalpukan sa isang national road sa Kiyosu City, Aichi Prefecture, na pumatay sa isa nating kababayan na nakasakay sa motorsiklo. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsa nating kakabayan patay matapos magbanggaan ang truck at kanyang minamanehong motor

Noong gabi ng ika-28 ng Setyembro, isang motorsiklo at truck ang nagsalpukan sa isang national road sa Kiyosu City, Aichi Prefecture, na pumatay sa isa nating kababayan na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon sa pulisya, dakong 8:50 ng gabi ng ika-28, ang motorsiklo ay tumatakbo sa National Highway No. 22 sa Kasuga Miyashige-cho, Kiyosu City ay nakabanggaan ang isang 2 toneladang truck na kumaliwa.

Sa aksidenteng ito, ang nasawi na si Dalog Paulo (24) company employee, na nakasakay sa motorsiklo, ay dinala sa ospital, ngunit namatay pagkaraan ng dalawang oras.

Inaresto ng pulisya on the spot si Ryoma Igarashi (21), company employee sa Lungsod ng Kasugai, Aichi Prefecture, na nagmamaneho ng truck, sa kasong reckless driving resulting to injury.

Bilang tugon sa pagsisiyasat, inamin niya na siya ay “walang dudang nagdulot ng aksidente”, at isinasagawa ng pulisya na pagbabago ng isasampang kaso sa reckless driving resulting to death.

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund