Ipina-kita na sa media ang pinaka-bagong modelo ng SW tour train na pinag-halong moderno at tradisyonal na disenyo

Bagong sightseeing train ng JR Kyushu ipina-kita na sa media.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ipina-kita na sa media ang pinaka-bagong modelo ng Kyushu Railway Co. sightseeing train, ang “36 plus 3” sa Kitakyushu Kokurakita Ward nitong ika-29 ng Septyembre taong 2020.
Nakikita sa larawan ang loob ng “36 plus 3” na ipina-kita sa media sa Kitakyushu Kokurakita Ward nitong ika-29 ng Septyembre, 2020.

FUKUOKA — ipina-kita na ng Kyushu Railway Co. (JR Kyushu) ang kanilang pinaka-bagong sightseeing train na tinawag na”36 plus 3″ sa Lungsod ng Kitakyushu sa southwestern Japan nitong ika-29 ng Septyembre.

Halos pinturang itim ang panlabas na kulay ng nasabing tren, at ang disenyo sa loob ay pinag-halong classical Japanese at modernong istilo na ginamitan ng mga likhang sining at tatami mats ng Prepektura ng Fukuoka. Mag-sisimulang patakbuhin ang nasabing tren sa ika-16 ng Oktubre.

Ito ay naka-base sa konseptong “running Kyushu” at ang mga karwahe nito ay ang pinalaki at ini-ayos na 787 series na ginamit nuong 1992 bilang limited express train Tsubame. Si Eiji Mitooka, isang designer na siyang lumikha ng disenyo ng JR Kyushu touring train “Seven Stars in Kyushu”  ang naatasang mag-disensyo ng nasabing bagong tren. Ang mga ginamit na kahoy para sa mga bintana, bubong at ilang pang mga parte ay mula sa Okawa Kumiko Wood Joinery.

Ang tren ay mayroong anim na karwahe, na mayroong 13 indibidwal na kwarto at may kapasidad para sa 105 na pasahero kabilang ang 57 seats at wheelchair accessible seats. Kinakailangan na hubarin ng mga pasehero ang kanilang mga sapatos kapag sumakay sa ika-una at ika-6 na karwahe ng tren dahil ito ay may tatami mat na sahig. Mayroon namang nag-seserve ng light meal buffet sa ikatlong karwahe at event-space naman sa ika-apat na karwahe.

Ito ang loob ng unang karwahe ng tren na “36 plus 3”.

Ang tren ay pina-ngalanang “36 plus 3″ dahil ang rehiyon ng Kyushu ay nasa ika-36 na pinaka-malaking isla sa buong mundo, at sa tatlong damdamin na ” Surprise, Excitement at Happiness” ani ng Presidente ng JR Kyushu sa isina-gawang seremonya nuong uka-29 ng Septyembre, ” Nais naming ipa-kita sa Japan at buong mundo ang kagandahan ng Kyushu.”

Ang sightseeing train ay ibabyahe ang mga pasahero sa loob ng limang araw sa pitong prepektura ng nasabing rehiyon. Maaari din pumili ng 1 day trip plan ang mga kostumer. Nag-sisimula sa halagang ¥12,000 ng isang ticket kasama ang pagkain per adult/per day kasali na ang tax.

(Japanese original by Munehisa Ishida, Kyushu Business News Department)

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund