Iba pang bahagi ng chop chop na katawan natagpuan  

Pinaniniwalaang namatay ang lalaki may anim na buwan na ang nakalilipas. Ang dahilan ng pagkamatay ay hindi pa natutukoy.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

NIIGATA – Kasunod ng pagkakatuklas ng chinop-chop na bangkay sa isang tirahan sa Lungsod ng Kashiwazaki, natagpuan ng mga pulis ang iba pang bahagi ng katawan sa parehong lokasyon, ulat ng Fuji News Network (Oktubre 22).

Ayon sa imbestigador, ang naninirahan sa apartment, na matatagpuan halos 2 kilometro mula sa JR Kashiwazaki Station, ay ang 48 taong gulang na si Kazuo Sato. At kasalukuyang walang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan.

Noong Lunes, pinasok kamakiailan ng mga pulis ang tirahan matapos malaman mula sa managenent company ng sa yunit na hindi na nakakausap si Sato.

Natagpuan ng mga opisyal ang isang bahagi ng katawan ng tao – at nawawala ang ulo – at isang kanang paa sa loob ng isang imbakan na inilagay sa kubeta malapit sa kusina.

Ang iba pang bahagi ng katawan ay nakabalot sa isang plastic bag, dagdag pai ng mga pulis.

Sa pinakabagong developments, ipinahayag ng mga imbestigador na natagpuan ng mga ito ang iba pang bahagi ng katawan sa tirahan noong Miyerkules.

Natagpuan ng mga pulis ang ilang parte ng katawan sa loob ng tahanan sa Kashiwazaki City nitong Lunes. (Twitter)

“Mayroon bang mabahong amoy?”

Sinabi din ng mga pulis na ang resulta ng awtopsiya sa katawan ng tao at paa ay pagmamayari ng isang lalaking na tinatayang nasa edad 40 hanggang 60. At may taaa ng halos 160 sentimetro.

Pinaniniwalaang namatay ang lalaki may anim na buwan na ang nakalilipas. Ang dahilan ng pagkamatay ay hindi pa natutukoy, idinagdag pa ng mga pulis.

Sinabi ng may-ari ng yunit na ang management company ang tumawag sa kapulisan matapos mapansin na “isang bagay na kahina-hinala.” Isang reporter para sa Fuji News Network ang nagtanong, “Mayroon bang mabahong amoy?” Tumugon ang may-ari, “Oo.”

Ang sangkapulisan ay kasalukuyang inaalam ang iba pang detaye upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng katawan habang isinasaalang-alang na ito kay Sato. Ang kaso ay tinuturing na Abandoning a corpse.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund