Asawa ng lalaking natagpuang patay sa Marugame, kinikwestyon ng kapulisan

Si Yukiyoshi Noto, 82, ay natagpuang nakahandusay sa ibabaw ng kama sa ikalawang palapag na silid ng tirahan ng isa sa kanyang mga anak na lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KAGAWA – Kinukuwestiyon ng mga imbestigador ng Kagawa Prefectural Police ang asawa ng isang matandang lalaki na natagpuang patay sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Marugame nitong Miyerkules, ayon sa ulat ng Fuji News Network (Oktubre 21).

Dakong 10:30 ng umaga, si Yukiyoshi Noto, 82, ay natagpuang nakahandusay sa ibabaw ng kama sa ikalawang palapag na silid ng tirahan ng isa sa kanyang mga anak na lalaki.

Isang lalaking wala ng buhay ang natagpuan sa isang tirahan sa lungsod ng Marugame nitong Miyerkules lamang. (Twitter)

Di kalaunan, kinumpirma ng mga emergency personel na siya pumanaw na, ayon pa sa mga pulis.

Si Noto ay nagtamo ng pinsala sa kanyang kamay. Ngunit ang kanyang katawan ay hindi kinkitaan ng kahit anong palatandaan ng panlabas na mga sugat, sinabi pa ng mga pulis.

Kasama ni Noto sa tirahan ang kanyang 77 taong gulang na asawa. Kinukwestyon ito ngayon ng mga imbestigador tungkol sa mga pangyayaring humantong sa pagpapakamatay ng kanyang mister na tituring na isang kaso ng pagpatay.

Plano ng kapulisan na gamitin ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund