Suspek sa assault: ” Maling tao ang aming binugbog!”

"Matapos ang pag-atake sa kanya, iniwan namin siyang walang malay at hindi humihinga," salaysay ni Tanaka.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Tomohiro Shimomura (Twitter)

CHIBA – Inaresto ng Chiba Prefectural Police ang isang 36-taong-gulang na lalaking empleyado sa construction kaugnay sa malubhang pambubugbog sa isang lalaki noong nakaraang linggo, ulat ng NHK (Setyembre 5).

Dakong 4:45 ng umaga noong Setyembre 3, isang guwardya para sa Chiba Central Medical Center sa Lungsod ng Chiba ang tumawag sa kapulisan matapos ang dalawang lalaki na ibaba ang isang lalaki, na tila binugbog, sa tapat ng bintana ng outpatient clinic.

Ang lalaki na kalaunan nakilala bilang si Tomohiro Shimamura, isang 32-taong-gulang na residente ng Lungsod ng Koshigaya, Prepektura ng Saitama , ay kumpirmadong namatay mga 20 minuto ang lumipas, ayon sa ulat ng Chiba-Higashi Police Station.

Noong Setyembre 4, inaresto ng pulisya si Daiki Tanaka, 36, sa salang abandoning a corpse matapos siyang sumuko sa isang istasyon ng pulisya. “Matapos ang pag-atake sa kanya, iniwan namin siyang walang malay at hindi humihinga,” salaysay ni Tanaka sa mga imbestigador.

Si Tanaka ay hindi kilala ang biktima. Bago ang insidente, si Shimamura ay dinakip sa Yashio City, Saitama. “Binubog namin siya, ngunit hindi siya ang taong aming pakay,” sabi ng suspek sa mga pulis.

Matapos iwan si Shimamura sa klinika, tumakas sila sakay ng isang sasakyan. Kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan ang kinaroroonan ng ikalawang salarin.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund