Saitama: Lalaki, 50, sinakal ang may sakit na ina sa ospital

Dakong 4:30 ng umaga, sinakal umano ni Akira Shinya ang kanyang ina, na si Yoko , 76-anyos , loob ng kanyang silid sa ospital.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

&nbspSaitama: Lalaki, 50, sinakal ang may sakit na ina sa ospitalSAITAMA – Inaresto ng Saitama Prefectural Police ang isang 50 taong gulang na lalaki matapos na diumani’y sakalin ang kanyang ina habang ito ay nagpapagamot isang ospital sa Lungsod ng Saitama noong Sabado, ulat ng TV Asahi (Setyembre 5).

Dakong 4:30 ng umaga, sinakal umano ni Akira Shinya ang kanyang ina, na si Yoko , 76-anyos , loob ng kanyang silid sa ospital.

Pinahinto siya ng isang doktor at nars ilang segundo matapos niyang hawakan ang leeg ng kanyang ina. Gayunpaman, namatay si Yoko ng may walo at kalahating oras na ang lumipas.

Nang siya ay naaresto dahil sa salang attempted murder, inamin ni Shinya ang mga paratang. “Hindi ko makatiis na panoorin [siya ay nagdurusa], kaya ni-nais kong gawing komportable siya,” sinabi ng suspek sa mga pulis.

Ayon sa pulisya, si Yoko ay ipinasok sa ospital na may kritikal na kondisyon noong isang araw. Siya ay may hindi natukoy na malubhang karamdaman.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund