Si Anna Murashige ng HKT48 ay nag-positibo sa coronavirus

Si Murashige, 22, ay sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) matapos maranasan ang namamagang lalamunan, lagnat at kawalan ng enerhiya noong Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Anna Murashige (Twitter)

FUKUOKA – Si Anna Murashige, miyembro ng sikat na idol group na HKT48, ay nag-positibo sa coronavirus, inihayag ng kanyang ahensya noong Martes.

Ayon sa ahensya na Twin Planet, si Murashige, 22, ay sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) matapos maranasan ang namamagang lalamunan, lagnat at kawalan ng enerhiya noong Linggo.

Ang positibong resulta ay nakumpirma kinabukasan, ayon sa ahensya.

Ang Mercury, ang kumpanya na namamahala sa grupo na nakabase sa Lungsod ng Fukuoka , ay nagpahayag na ang lahat ng mga aktibidad na nauugnay sa grupo ni Murashige, kasama ang meet-and-greet na “handshake event,” ay nakansela o ipinagpaliban habang nagpapagaling siya sa ilalim ng patnubay ng isang lokal na health center.

Ang lahat ng mga miyembro ng grupo at mga staff ay sumasailalim na sa PCR tests. Sila ay inabisuhan nagma-self quarantine hanggang lumabas ang resulta ng mga test.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund