Mister nahuli si misis sa cctv na nilalason siya gamit ang dish washing detergent

May kasabihan na: kung ayaw na sayo wag mong pilitin. Hinuli ang 49-taong-gulang na ginang sa kasong attempted murder sa paglalagay ng sabon ng panghugas ng pinggan sa ulam ng kanyang mister upang malason ito. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMister nahuli si misis sa cctv na nilalason siya gamit ang dish washing detergent

YOKOHAMA – Hinuli ng Kanagawa Prefectural Police ang 49-taong-gulang na ginang sa kasong attempted murder sa paglalagay ng sabon ng panghugas ng pinggan sa ulam ng kanyang mister upang malason ito, report ng Mainichi Shimbun.

Ang babae, residente ng Kanagawa Prefecture lungsod ng Chigasaki, timog ng Tokyo, ay inakusahan ng paghahalo ng alkaline dishwashing soap at iba pang mga panglinis ng kusina sa pagkain ng kanyang 50-taong-gulang na asawa noong Marso 12. Ang asawa naman ay hindi nagkasakit mula sa partikular na pangyayari a inamin umano ng babae ang mga paratang sakanya.

Ayon sa mga sources, gusto nang makipaghiwalay ng ginang sa asawa nito noong nakaraang buwan pa. Sinabihan niya ang kanyang mister na mag divorce na sila at lumayas na ito sa pamamahay nila, ngunit hindi daw pumayag ang mister at nag stay ito sa kanilang bahay.

Nagkaduda ang mister nang pagkatapos ng isang linggo lagi na siyang nakakaramdam ng kakaiba pagkatapos nito kumain, na may isang beses pa daw na nasuka siya pagkatapos niyang kumain.

Kaya’t nag install ito ng cctv sa kusina at doon nya na nga nadiskubre na nilalason pala siya ng kanyang asawa.

Dala dala ang ebidensiya, siya ang kumunsulta at nag sumbong sa police.

(Original Japanese ni Nami Takata at Mami Miyajima, Yokohama Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund