
YAMANASHI – Inaresto ng Yamanashi Prefectural Police ang isang 43 taong gulang na lalaki dahil sa diumano’y pag-iwan sa kasama niyang babaeng may sakit na nag-iisa upang mamatay sa isang hotel sa Lungsod ng Fuefuki netong taong ito, Ulat ng Fuji News Network (Setyembre 27).
Dakong 5:10 ng umaga noong Mayo 10, iniwan ni Hiroaki Nakasawa, walang trabaho, ang isang babae, na nasa edad 40 na nag-iisa sa isang silid ng hotel sa kabila ng pagka- walang malay nito dahil sa mataas na lagnat.
Makalipas ang anim na oras, ang babae ay kumpirmadong binawian ng buhay dahil sa cerebral hemorrhage, pahayag ng.mga imbestigador ng Fuefuki Police Station.
Sinasabi ng kapulisan na nabigo si Nakasawa na isagawa ang mga kinakailangang hakbang sa pag-sagip ng buhay, tulad ng pagtawag sa isang ambulansya.
Nang siya ay naaresto dahil sa salang Negligence Resulting in Death noong Setyembre 27, tumanggi na magbigay ng kahit anong kumento si Nakasawa pa-tungkol sa mga paratang sa kanya. “Wala akong kailangan sabihin hangga’t wala ang aking abogado,” ang saad ng suspek.
Sa araw ng insidente, ang pares ay pinaniniwalaang gumagamit ng kakuseizai isang stimulant na gamot.
Noong Setyembre 7, unang naaresto ng kapulisan si Nakasawa dahil sa pinaghihinalaang possession of stimulang drugs. Kalaunan ay pinalaya siya nang walang demanda.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation