Lalaki na pinaghihinalaang binaril at napatay ang kasintahan bago nagpatiwakal

Hinala ng kapulisan na ito ay binaril ng lalaki bago nito kinitil ang sariling buhay sa tawiran, ayon pa sa pulisya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA (TR) – Hinala ng Chiba Prefectural Police na pinatay ng isang lalaki ang kanyang kasintahan bago ito nagpakamatay sa dalawang lokasyon sa prepektura noong Martes, ulat ng Sankei Shimbun (Setyembre 22).

Bago mag-4: 00 ng umaga, isang lokal na residente sa nayon ng Kosei ang nag-tip sa kapulisan matapos na mamataan isang lalaki, may edad 40, sa loob ng sasakyan na nakahinto sa isang tawiran patungo sa Sotobo Line.

Natagpuan ang isang lalaki na may tama umano ng bala sa kanyang ulo sa isang railway crossing sa Kosei nitong Martes ng umaga. ( NHK)

Ang mga rumispondeng imbestigador ay naabutang tumatakbo ang makina ng sasakyan, kung saan ang biktima ay nasa driver’s seat at may tama ng baril sa ulo. Kalaunan ito ay kinumpirmang binawian ng buhay sa isang hospital.

Isang baril ang natagpuan sa loob ng sasakyan, ayon sa mga imbestigador.

Di katagalan , dakong 6:30 ng umaga, nakatanggap ang pulisya ng tawag tungkol sa “isang babae na nakahandusay at naliligo ng dugo ” na natagpuan sa isang farming road sa Lungsod ng Mobara na may 7.5 na kilometro mula sa tawiran.

Agarang pinuntahan ng mga imbestigador ang pinangyarihan ng lugar kung nasaan ang babae, tinatayang nasa edad 60 na, nakadapa at tila maraming tama ng bala ng baril sa ulo, kung saan ito ay kinumpirmang dead on the spot.

Batay sa ebidensyang nahanap sa parehong lokasyon, nalaman ng kapulisan na ang lalaki ay kaugnayan sa babae. Hinala ng kapulisan na ito ay binaril ng lalaki bago nito kinitil ang sariling buhay sa tawiran, ayon pa sa pulisya.

Kasalukuyang inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Source: Tokyo Reporter

Image: NHK

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund