Ang mga nakaligtas sa pagpapasabog ng mga atomic bomb noong 1945 sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki ng Japan ay magsisimulang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa susunod na buwan sa pamamagitan ng mga online na events para sa 190 mga bansa. Nilalayon nilang bumuo ng suporta para sa isang kasunduan sa United Nations na nagbabawal sa mga nuclear weapons.
Ang Japanese NGO Peace Boat ay magho-host ng mga online session sa pakikipagtulungan sa mga katulad na grupo sa mga bansang lumahok sa International Campaign to Abolish Nuclear Weapon, o ICAN.
Pinangunahan ng ICAN ang pagpasa ng isang kasunduan sa pagbabawal ng mga nuclear weapons sa United Nations, 3 taon na ang nakalilipas. Ang kasunduan ay magkakabisa 90 araw pagkatapos na ang bilang ng mga pagpapatibay ay umabot sa 50. At lima pang ratipikasyon ang kinakailangan upang maisabatas ito.
Sa ngayon, ang mahigit sa 170 na mga nakaligtas sa atomic bomb ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa mga tao na nagmula sa halos 60 mga bansa. Nagpasya ang Peace Boat na isagawa ang mga sesyon nito sa online dahil sa pandemya ng coronavirus .
Nais ng grupo na i-hold ang mga event para sa mga bansa na nagtataglay ng nuclear weapon kabilang ang Estados Unidos at India sa isang buwan. Inaasahan nitong i-stage ang event para sa 100 mga bansa sa pagtatapos ng susunod na taon.
Ang kapwa pinuno ng Peace Boat na si Kawasaki Akira, ay nagsabi na ang oras na natitira para sa mga nakaligtas sa atomic bomb ay limitado. Idinagdag niya na nais ng kanyang pangkat na makatulong na maihatid ang kanilang mga kwento sa mga bansa kabilang ang mga hindi pa nakakagawa ng ganoong event. Sinabi niya na ang layunin ay upang maibahagi ang kamalayan na hindi makatao ng mga sandatang nukleyar.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation