Share

ito ang entrance ng Fuji International Speedway Road Circuit sa Prepektura ng Shizuoka nuong taong 2018.
SHIZUOKA, Japan (Kyodo) – Isang Pranses ang namatay noong Biyernes matapos mag-crash ang minamanehong sports car sa panahon ng isang unofficial race sa Fuji International Speedway sa gitnang Japan, sinabi ng lokal na kapulisan.
Si Guillaume Renaud, isang 49 taong gulang na executive ng kumpanya at residente ng Minato Ward ng Tokyo, ay natagpuan na walang malay ng 2:55 ng hapon sa aksidente, at kalaunan ay ideniklarang patay sa ospital.
Si Renaud ay isang miyembro ng speedway sa Prepektura ng Shizuoka, ayon sa pulisya.
Ang kanyang sasakyan ay pumaling palabas ng race course papunta sa unang sulok at tumama ang mga gulong sa mga dingding, ayon sa mga imbestigador.
Source and Image: Mainichi Japan
Join the Conversation