WHO: Ang pandemya ay patuloy na mabilis ang pag-kalat

Ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Coronavirus ay halos doble sa nakaraang anim na linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspWHO: Ang pandemya ay patuloy na mabilis ang pag-kalat

Sinabi ng pinuno ng World Health Organization na ang coronavirus pandemic ay patuloy na bumibilis ang pag-kalat, habang ang kabuuang bilang ng mga kaso ay halos doble sa nakaraang anim na linggo.

Inihayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus nitong Lunes sa mga reporter na halos 16 milyong mga kaso at mahigit sa 640,000 pagkamatay ang naiulat sa kaniyang organisasyon.

Nanawagan si Tedros sa mga tao na magpatuloy sa paggawa ng mga hakbang tulad ng pagpapanatili ng distansya mula sa isa’t isa, paghuhugas ng mga kamay at pag-iwas sa mga masikip at enclosed na mga lugar.

Sinabi niya sa pamamagitan ng pagsasagawa nang maingat at tuloy-tuloy na paraan, ang Canada, China, Germany at South Korea ay na-kontrol ang pag-kalat ng virus.

Ang nangungunang ekspertong pang-emergency ng WHO, si Mike Ryan, ay dumayo sa mga bansa tulad ng Japan at Australia, kung saan ang mga kaso ng impeksyon ay mababa sa kaysa sa ibang mga bansa.

Sinabi niya na ang mga bansang iyon ay “nagkaroon ng isang mahusay at matagumpay sa pag-kontrol magpaglabanan ng pag-kalat sakit.”

Sinabi niya na dapat purihin ang mga gobyerno na nakaka-kontrol sa mga kumpol ng mga kaso at kapag sila ay transparent sa pag-uulat.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund