Sanggol, patay, matapos iwanan magdamag ng ina upang “kumita ng pera”

Inamin ni Sakamoto ang paratang sa kanya. "Lumabas ako upang kumita ng pera," saad ni Sakamoto sa kapulisan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Isang bagong silang na batang babae ang namatay matapos ang kanyang 30-taong-gulang na ina ay iniwanan siyang mag-isa sa loob ng mga 16 na oras sa kanilang tirahan sa Taito Ward, ulat ng TV Asahi (Hulyo 24).

Sa pagitan ng bandang 6:00 ng hapon. noong Hulyo 22 at 10:00 ng umaga nang sumunod na araw, si Ai Sakamoto, na walang permanenteng trabaho, umano’y iniwan ang kanyang anak na babae, na may edad na 3 buwan, sa loob ng tirahan.

Ai Sakamoto (Twitter)

Pagdating niya sa bahay, tumawag si Sakamoto ng emergency service matapos niyang matagpuan ang sanggol na “walang malay.” Kalaunan ay nakumpirmang patay na ang bata sa hospital.

Nang naaresto si Sakamoto sa salang negligence by a guardian, inamin ni Sakamoto ang paratang sa kanya. “Lumabas ako upang kumita ng pera,” saad ni Sakamoto sa kapulisan.

Plano ng pulisya na gamitin ang mga resulta ng isang autopsiya na nakatakdang ganapin sa Sabado upang matukoy ang sanhi ng kamatayan ng sanggol.

Inaalam din ng pulisya kung mababago ang mga ikakaso laban sa suspek na negligence by a gurdian na nagresulta sa pagkamatay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund