Guro isang nursery na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus, bumaling sa pandaraya

Bago ang insidente, si Iwabuchi ay nagtatrabaho bilang isang guro sa nursery hanggang sa dumating ang pandemya ng coronavirus na siyang naging sanhi ng pagkawala nang malaking bahagi ng kanyang kita.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO- Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 27-anyos na babaeng guro sa nursery na sumali sa isang fraud ring matapos siyang hindi makahanap ng trabaho dahil sa pandemiya dala ng coronavirus, ulat ng TBS News (Hulyo 9).

Noong Abril, ang isang lalaki sa kanyang 80’s na naninirahan sa Chofu City ay nakatanggap ng tawag sa telepono, galing sa isang miyembro ng fraud ring na ang kanyang “mga kard sa bangko ay ginamit para sa fraud”.

Kaori Iwabuchi (Twitter)

Pagkatapos , si Kaori Iwabuchi ay nagdamit ng itim na uniporme kagaya ng sa mga pulis at pinuntahan ang bahay ng biktima at kinolekta ang tatlong bank cards.

Ginamit ng suspek ang mga card upang mag-withdraw ng 1.5 milyong yen mula sa mga account ng biktima sa pamamagitan ng ATM , kabilang ang isa sa convenience store, sinabi ng pulisya.

Bago ang insidente, si Iwabuchi ay nagtatrabaho bilang isang guro sa nursery hanggang sa dumating ang pandemya ng coronavirus na siyang naging sanhi ng pagkawala nang malaking bahagi ng kanyang kita. Pagkatapos ay tumugon siya sa isang alok para sa “mataas na bayad na trabaho” ng fraud ring.

” Dahil wala akong trabaho sa loob ng higit sa isang buwan, naghanap ako ng ibang trabaho,” ani ng suspek sa mga pulis habang umaamin sa krimen, ” Nagawa ko na din ito dati”.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund