82-anyos na babae, patay, matapos masaksak habang siya ay bumaba ng bus

Sinabi ng pulisya na ang babaeng nanaksak sa biktima ay bumubulong at nag-sasalita mag-isa mula ng maaresto.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp82-anyos na babae, patay, matapos masaksak habang siya ay bumaba ng bus

TOKYO
Isang 82-taong-gulang na babae ang namatay matapos siyang saksakin ngng isang babae na may edad 40 taong gulang, parehong pasahero ng isang bus sa Ome, Tokyo, nitong Biyernes.

Ayon sa kapulisan, nangyari ang insidente bandang 3:30 ng hapon. Ang biktima na si Itsuko Kubo, ay pababa na ng bus nang bigla siyang pagsasaksakin sa likod at leeg ng isang babaeng pasahero.

Isang saksi ang tumawag sa 110. Si Kubo ay sinugod sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.

Sinabi ng pulisya na ang babaeng nanaksak sa biktima ay bumubulong at nag-sasalita mag-isa mula ng maaresto at sinasabing siya ay  schizophrenic. Kasalukuyang sinusuri ang suspek upang makita kung mayroon talaga siyang ganuong medikal na kasaysayan.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund