Tanggalin ang mask kapag nasa labas at magdistansya ng 2m para makaiwas sa heatstroke, hiling ng gobyerno ng Japan sa mga tao

Ang ministry ng Japan ay naglabas ng isang gabay na nanawagan sa mga tao na tanggalin ang facemask kapag nasa labas upang maiwasan ang heatstroke sa mainit na summer habang panatilihin ang social distancing ng 2 metro sa isa't isa upang maiwasan ang impeksyon sa coronavirus. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Ang environment at health ministry ng Japan ay naglabas ng isang gabay na nanawagan sa mga tao na tanggalin ang facemask kapag nasa labas upang maiwasan ang heatstroke sa mainit na summer habang panatilihin ang social distancing ng 2 metro sa isa’t isa upang maiwasan ang impeksyon sa coronavirus.

Ang gabay para sa isang “bagong pamumuhay,” o the new normal ay isang koleksyon ng payo ng gobyerno at mga kahilingan tungkol sa araw-araw na mga hakbang upang maiwasan ang impeksyon ng coronavirus, hinihiling din sa mga tao na iwasan ang mag excercise ng sobra at naka mask upang maiwasan ang heatstroke.

Ayon sa Ministry ng Kalikasan, ang panganib ng heatstroke ay nagdaragdag kapag may suot na mask dahil tumataas ang rate ng pulso at paghinga at naglalagay ng stress sa katawan. Inirerekomenda din ng gabay ang mga tao na siguraduhin ang maayos na bentilasyon o pagbubukas ng mga bintana, at madalas na mag-hydrate.

Sa panahon ng huling malubhang heatwave ng Japan noong 2018, humigit-kumulang 95,000 katao ang nadala sa ospital sa pamamagitan ng ambulansya sa loob ng limang buwang tag init.

(Japanese orihinal ni Mayumi Nobuta)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund