TOKYO (TR) – ayon sa mga pulis, isang retiradong pang-karerang kabayo ang bumangga sa isang kotse sa intersection sa Shinagawa Ward matapos itong maka-takas mula sa kanyang kwadra nuong Lunes, mula sa ulat ng NHK (May 25,)
Ayon sa mga pulis, binangga umano ni Saint Memory (lalaking kabayo) ang tagiliran ng isang puting van sa Yashiobashi intersection sa Oi area bandang alas-11:00 ng umaga.
Ang kabayo ay mabilis na ibinalik sa Oi race course ng hindi sinasabi kung ano ang napinsala rito, kahit na makikita sa kalsada ang nagkalat na hinihinalang dugo.
Ipinakita sa footage ang kuha ng NHK na sirang bintana at malaking yupi sa gilid ng van.
Bago pa mangyari ang insidente, ang kabayo ay nakawala sa kanyang kwadra sa karerahan. Ang intersection ay may layong 1.5 km mula sa kanyang kwadra.
Sa isang kuha mula sa security camera, ang kabayo ay makikitang tumatakbo sa salungat na direksyon ng mga kotse.
Sa loob ng kanyang 8 taong karera, ipinanalo ni Saint Memory ang 17 karera. Nag-retiro ito nuong taong 2016. Sa kasalukuyan, siya ay nag-sisilbing guide horse sa Oi Racecourse.
Source: Tokyo Reporter
Video: YouTube
Join the Conversation