SHIRAHAMA, Wakayama — ang Adventure World amusement park sa western Japan ay bahagyang nag-bukas para sa mga residente sa prepektura nuong ika-21 ng Mayo matapos nitong mag-sara dahil sa novel coronavirus pandemic.
Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga bumibisita araw-araw ay nilimitahan sa 5,000 lamang upang maiwasan ang impeksyon. Ang parke, na isinarado mula pa nuong ika-7 ng Abril ay nanawagan sa kanilang mga bisita na magdala ng sariling mask at titignan na ang kanilang temperatura sa gate pa lamang. Ang sino mang may lagnat at umabot ang temperatura ng higit 37.5 degrees ay hindi papayagang makapasok sa parke.
Gumawa din ng mga espasyo sa upuan ng dolphin shows at iba pang events ang parke. Ang mga indoor facilities na mahirap ang daloy ng hangin tulad ng mga safari tours na gumagamit ng sasakyan ay mananatiling sarado.
Nuong ika-21 ng Mayo, nag-dagsaan ang mga taga-hanga na sabik na nag-aantay sa muling pag-bubukas ng parke matapos nilang magpakita ng kanilang Identification. Sila ay makikitang nasasayahan masilayan ang mga giant panda.
Si Tomomi Yamazaki, 36 anyos, isang residente ng lungsod ay nag-punta sa parke kasama ang kanyang 3 taong gulang na anak ay nag-sabi na ” Ako ay pumunta kasama ang aking anak na babae dahil naisip ko na ang limitadong bilang ng makakapasok na kostumer ay ligtas. Nakaka-tuwang makita na ang mga panda ay malusog.”
Isang representative ng parke ay nag-sabi na, “Nais namin na makapag-bigay ngiti sa mga tao sa abot ng aming makakaya habang umaasang matapos na ang kinahaharap na pandemiko ng daigdig, na siyang magiging hudyat ng aming muling pag-bubukas ng lubusan.”
(Orihinal na isinulat ni Satoshi Mogami, Wakayama Bureau)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation