Mahigit 100 katao ang muling nag-positibo sa coronavirus sa S. Korea

Ayon sa mga opisyal mayroon na rin na nai-report na ganitong kaso sa ibang bansa, at ibabahagi nila ang magiging resulta ng kanilang pag-aaral sa World Health Organization at mga international community.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit 100 katao ang muling nag-positibo sa coronavirus sa S. Korea

Sinabi ng mga opisyal pangkalusugan ng South Korea na ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa sakit na coronavirus at nag-positibo muli nuong sinuri matapos sila ay ma-release sa quarantine ay umabot na sa 111 katao sa buong bansa.

Sa kasalukuyan,  kanilang pinag-aaralan ang dahilan sa mga nangyari sa nasabing kaso.

Ayon sa mga opisyal mayroon na rin na nai-report na ganitong kaso sa ibang bansa, at ibabahagi nila ang magiging resulta ng kanilang pag-aaral sa World Health Organization at mga international community.

Nitong Linggo, mahigit 10,000 katao sa South Korea ang nakitaan na mayroong virus. Ayon sa South Korean government mahigit 7,368 na ang gumaling at tinapos na ang pag-quarantine.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund