Lalaking hinihinalang isang foreigner, malubhang pinag-sasaksak sa Edogawa

Bandang ala-1:40 ng umaga, isang report ang natanggap ng mga pulis tungkol sa isang "lalaking sinaksak" sa pedestrian crossing sa Nakakasai area.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – pinag-hahanap ngayon ang suspek sa pagsaksak sa isang lalaki na pinaniniwalaang isang foreigner sa Edogawa Ward nitong umaga ng Linggo, mula sa ulat ng Asahi Shimbun (April 12).

Bandang ala-1:40 ng umaga, isang report ang natanggap ng mga pulis tungkol sa isang “lalaking sinaksak” sa pedestrian crossing sa Nakakasai area.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang isang lalaki na nasa kanyang 40’s hanggang 50’s na walang malay at duguan sa bandang tiyan.

Ayon sa mga pulis, ang lalaki ay idineklarang wala ng buhay sa ospital makalipas ang isang oras.

&nbspLalaking hinihinalang isang foreigner, malubhang pinag-sasaksak sa Edogawa
Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang malubhang pinag-sasasaksak sa Edogawa Ward nitong Linggo. (Twitter)

Ayon sa mga pulis, may isang testigo raw na naka-kita sa suspek habang tumatakas mula sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Bukod sa paghahanap sa pagkakakilanlan ng biktima, pinag-hahanap rin ng mga awtoridad ang suspek sa kasong tangkang pag-patay sa biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund