Gusto mo bang magkaroon ng sariling mini potted sakura? Ang Felissimo ay kasalukuyang kumukuha ng mga order para sa mga potted sakura sa pamamagitan ng Felissimo R sub-brand.
Ang Japan ay may maraming uri ng mga puno ng cherry blossom, at ito ay ang Asashiyamazakura, na nangangailangan ng mas kaunting sikat ng araw at mas may resistensya sa malamig na panahon kaysa sa iba.
Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga puno sa isang pasilidad ng imbakan na kontrolado ng temperatura, nagawa ng Felissimo na antalahin ang kanilang pamumulaklak, at ang mga halaman ay darating sa mga tahanan ng mga customer na isang tangkay na may mga buds na hindi pa namumulaklak.
Matapos ang ilang araw, ang mga buds ay magsisimulang mamulaklak, at ang sakura ay aabot nang halos isang linggo, o bahagyang mas mahaba sa partikular na malamig na klima. Bilang isang resulta, masisiyahan ka sa kumpletong siklo ng sakura ng mga bulaklak na namumulaklak at sa kalaunan ay malalagas din ito sa mga sanga.
Gayunpaman, babala ng Felissimo na, ito ay mga living things. At depende sa tamang pag-aaalaga ay makakakita ng mas magandang resulta, at kung patuloy na ito ay maalagaan ng mabuti, maaari ito ulit mamulaklak kada taon tuwing tagsibol at season ng sakura.
Ang Felissimo ay irini-rekomenda ito bilang mother’s day gift, ngunit maaari din bilhin ito para sa sarili. Kada plant ay nagkakahalaga ng 4,947 yen at maaaring ma-order dito sa Felissimo’s online shop, na kung saan ang mga orders ay hanggang Thursday para sa shipment sa May.
Source, images: Felissimo
Join the Conversation