Plano ng gobyerno ng Japan na mag-imbak ng sapat anti-flu drug Avigan para sa 2 milyong mamamayan. Ang nasabing gamot ay kasalukuyang sinusuri upang magamit na gamot panlaban sa coronavirus.
Ang plano ay parte ng draft emergency economic package, na inaasahang matapos ngayong linggo.
Ayon sa draft ang virus ay nag-babanta ng malaking hamon sa ekonomiya ng Japan. Ang hakbang ay itinalaga sa dalawang yugto.
Ang unang yugto ay nanawagan para sa emergency na suporta habang ang mga mamamayan sa bansa ay nakikibaka na pigilan ang virus. Ang ikalawang yugto ay naglalayon para sa isang mabilis na pagbawi sa ekonomiya.
Plano ng mga opisyales na mag-imbak ng sapat na Avigan para sa 2milyong mamamayan sa katapusan ng susunod na Marso.
Plano rin nila na mag-bigay ng humigit-kumulang na 2,800 dolyares sa mga kabahayan na naapektohan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 epidemic.
Plano rin ng gobyerno na mag-bigay ng karagdagang child allowance.
Matapos mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon, plano ng gobyerno na ilunsad ang isang kampanya para i-stimulate ang personal consumption, i-boost ang tourism industry at i-promote ang events.
Plano rin ng gobyerno na mag-bigay ng expanded employment subsidies hanggang June 30 upang maprotektahan ang mga trabaho.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation