3 pulis sa Hyogo, nag-positibo sa coronavirus matapos ang isang drinking party

Ang tatlong binanggit na officer ay sumama sa isang inuman nuong ika-27 ng Marso sa isang Izakaya restaurant.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp3 pulis sa Hyogo, nag-positibo sa coronavirus matapos ang isang drinking party

HYOGO (TR) – tatlong pulis sa lunsod ng Kobe ang nag-positibo sa novel coronavirus matapos sumama sa isang inuman nuong nakaraang buwan, ulat ng NHK (April 10).

Ayon sa Hyogo Prefectural Police nuong Biyernes na ang tatlo sa kanilang kapulisan na kinabibilangan ng isang babaeng manager sa Accounting Section (nasa kanyang 50’s) , isang lalaking sarhento sa Traffic Division (30’s) at isang lalaking Assistant Inspector (30’s) na naka-destino sa Kobe-Nishi Police Station.

Ang tatlong binanggit na officer ay sumama sa isang inuman nuong ika-27 ng Marso sa isang Izakaya restaurant. Kasama sa nasabing pagsasalo ay ang chief at vice-chief ng istasyon.

Nuong Martes, ibinunyag na ng pulis na ang lalaking superintendent sa Traffic Division ay nag-positibo sa coronavirus nang ito ay sinuri, ang sakit na ito ay sanhi ng pagkakaroon ng Covid-19. Kalaunan ibinunyag na ang inspektor na nasa kanyang 50’s ay nag-positibo rin.

Ang Chief at Vice-Chief nang istasyon ay kabilang sa 120 Hyogo Prefectural Police officers na sumasailalim sa self-isolation sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon sa mga datos mula sa Ministeryo ng Health, Labor at Welfare, ang bilanh nang mayroong impeksyon ng coronavirus sa Japan ay tumatayong nasa 6,202 nitong kinahapunan ng Sabado.

Source: Tokyo Reporter

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund