Planong ng Japan na isali sa listahan ang pag-babawal sa pag-pasok ng mga dayuhan manggagaling sa Estados Unidos, Tsina at South Korea pati na rin ang karamihan lugar sa Europa at ilang lugar sa Southeast Asia sa kadahilanang pag-rami at pag-kalat ng coronavirus pandemic.
Napag-desisyonan ng Japanese government na itaas ang travel alert sa lahat ng parte ng US sa level 3, inirerekumenda na i-cancel ang kanilang byahe patungong Japan. Iba-ban din ang mga dayuhan na bumyahe patungong Japan kung ang mga ito ay namalagi sa US sa mga nakalipas na 2 linggo. Ang hakbang na ito ay dahil sa patuloy na pag-rami ng mga kaso ng impeksyon mula sa coronavirus sa US.
Plano rin ng gobyerno na gumawa ng hakbang laban sa China ay South Korea, karamihan ng lugar sa Europe kabilang ang Britain at ilang parte ng Southeast Asia tulad ng Thailand.
Ang nasabing hakbang ay ang pag-tanggi sa pag-pasok ng mga dayuhan nang mahigit 1/3 ng iba’t-ibang bansa at teritoryo maliban na lamang kung sila ay may espesyal kadahilanan.
Ang mga natirang mga bansa o territoryo ay ilalagay sa level 2, at dahil dito mapipilitan ang mga hapones na umiwas na bumyahe sa bansa ng hindi kinakailangan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation