Toyota ititigil ang operations nito sa 5 nilang plant sa Japan

Sinabi ng Toyota Motor noong Lunes (23) na ititigil nito ang mga operasyon sa mga linya ng produksyon sa 5 nilang pabrika simula sa susunod na buwan upang ma-counteract ang pagbagsak ng foreign demand dahil sa coronavirus pandemic. #PortalJapan See

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Drop in foreign demand causes the shutdown of some production lines at Toyota plants in Japan (PM)

Sinabi ng Toyota Motor noong Lunes (23) na ititigil nito ang mga operasyon sa mga linya ng produksyon sa 5 nilang pabrika simula sa susunod na buwan upang ma-counteract ang pagbagsak ng foreign demand dahil sa coronavirus pandemic.

Isususpinde ng Japanese maker ang mga operasyon sa 5 nilang mga linya ng produksyon simula sa Abril 3. Inaasahang tatagal hanggang sa ika-15 ng mismong buwan at maaaring mapahaba ang suspensyon depende sa foreign demand.

Pinapayuhan ang mga empleyado na kumuha paid leave. Ang mga apektadong modelo ng kotse ay kasama ang 4Runner para sa North American market at ang Lexus para sa China.

Isasara ng Toyota ang isang linya sa Takaoka at dalawang linya sa Tsutsumi ngayong Abril 7, na sumasaklaw sa 3 araw na operasyon para sa bawat isa. Dalawang linya sa Tahara ang magiging offline hanggang Abril 14. Ang lahat ng 3 mga pasilidad ay matatagpuan sa base ng Toyota sa Aichi Prefecture.

Ang isang linya ng pabrika na gumagawa ng modelo ng Lexus sa Fukuoka Prefecture ay suspindihin ang mga operasyon mula Abril 3 hanggang Abril 15. Ang isang linya sa planta ng Hamura na gumagawa ng mga truck para sa Hino Motors sa Tokyo ay isasara mula Abril 3 hanggang 6.

Source: Asia Nikkei

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund