Pinarusahan ng kamatayan ang taong sumaksak at pumatay sa 19 na mga may kapansanan sa isip sa isang home care halos apat na taon na ang nakalilipas.
Si Satoshi Uematsu ay napatunayang nagkasala ng homicide at iba pa.
Naka-pinsala din siya ng 26 katao gamit ang kutsilyo na tumagal ng ilang oras. Tinarget ng 30-taong gulang na suspek ang mga residente ng Tsukui Yamayuri-en sa Sagamihara, malapit sa Tokyo, noong 2016. Si Uematsu ay isang dating manggagawa sa pasilidad.
Sa pag-baba ng kanyang sintensiya, sinabi ni Judge Kiyoshi Aonuma na kahindik-hindik ang nagawang krimen ng suspek.
Ang mga abogado ni Uematsu ay pinanindigan na siya ay walang kasalanan at hindi maaaring maging responsable sa mga pagpatay dahil sa isang sakit sa kaisipan na dulot ng matagal na paggamit ng marijuana.
Sa panahon ng paglilitis, inamin ni Uematsu na pinuntirya niya ang mga biktima dahil naisip niyang madali itong patayin. Sinabi niya na ang mga taong may matinding kapansanan ay walang paraan ng komunikasyon.
Hiniling ng mga taga usig ang parusang kamatayan. Ang hukom ay nagpasiya na si Uematsu ay responsable sa krimen.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation