TOKYO – Ang mga paaralan at board of education sa buong Japan ay nakakatanggap ng reklamo mula sa mga lokal na galit sa mga batang naglalaro sa labas dahil sila ay “lumalabag sa tunay na intensyon” ng bansa na pansamantalang isara ang paaralan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Samantala, ang mga paaralan sa Tokyo, Osaka at iba pang mga bahagi ng bansa ay nagpadala ng email sa mga magulang at tagapag-alaga na hinihikayat silang mag-ingat sa pagpapaalis sa kanilang mga anak sa labas at iwasan ito kapag di naman importante.
Ayon sa isang reklamo, “Nakatanggap kami ng report mula sa 15 na mga lokal na residente ng na may grupo ng mga bata na naglalaro sa park. … Mangyaring pagsabihan ang mga magulang na na manatili sa mga bahay ang mga bata at iwasan ang hindi kinakailangan at hindi pang-emergency na paglabas.” At mga reklamo tulad ng” diba dapat hindi sila lalabas?”
May iba din na mga report na kung saan may mga bata sa mga game center at naka tambay sa mga matataong lugar.
Nagbigay ng paalala ang gobyerno sa mga parents na huwag payagan ang mga bata na pumunta sa mga matataong lugar o kaya’t mga indoor gatherings ngunit pinapayagan naman ang mga bata na makapaglaro sa mga open spaces katulad ng mga park yun nga lang kailangang mag ingat pa din at gawin ang dapat na mga precautions kapag lalabas ng bahay.
Source: Mainichi
Join the Conversation