Lalaki, arestado sa pangmomolestiya ng dalawang batang babae sa isang park

Inaresto ng pulisya ng Musashimurayama, Tokyo ang isang 45-taong-gulang na lalaki sa hinalang sekswal na pang-aabuso sa dalawang batang babae na nasa elementarya sa isang park noong Enero. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

Inaresto ng pulisya ng Musashimurayama, Tokyo ang isang 45-taong-gulang na lalaki sa hinalang sekswal na pang-aabuso sa dalawang batang babae na nasa elementarya sa isang park noong Enero.

Ayon sa pulisya, si Kenji Ueda, isang driver ng truck, ay hinipuan ang dalawang batang babae sa isang park nang bandang 5 p.m. noong Enero 31, iniulat ng Sankei Shimbun.

Sinabi ng pulisya na tinawag ni Ueda ang mga batang babae na naglalaro sa park na walang bantay. Sinabi niya sa kanila, “Malamig dito. Sumama kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa bahay. ”

Sabay hablot sa mga bata at hinimas nito ang mga maseselang bahagi ng katawan bago niya bitawan at paalisin ang mga ito.

Sinabi ng isa sa mga batang babae sa kanyang ama ang nangyari nang makauwi siya at tumawag ang ama sa 110.

Sinabi ng pulisya na si Ueda, na nakilala sa pamamagitan ng  pagsusuri ng footage ng surveillance camera, ay inamin na hinawakan niya lang ang isang bata ngunit hindi ang isa.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund