Kaso ng mayroong coronavirus sa buong mundo, lumagpas na ng 10,000

Ito ay nag-ulat ng 6, 557 na bagong inpeksyon, na nag-dala sa kabuoang bilang na 53,578

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaso ng mayroong coronavirus sa buong mundo, lumagpas na ng 10,000

Ang kabuoang bilang ng bagong coronavirus sa buong mundo ay lumagpas na ng 10,000 na mayroong humigit na 4,800 katao na nai-ulat na pumanaw sa Italy.

Sinabi ng World Health Organization na ang bilang ng namatay sa buong mundo ay tumaas ng 1,344, na umabot na sa 11,184.

Ayon sa kwentang na iulat ng pamahalaan, ang Italy ang mayroong pinaka-mataas na bilang sa 4,825 na sinundan naman ng Chinasa bilang na 3,255, sumunod ang Iran sa bilang na 1,556 at Spain sa bilang na 1,326.

Sa Italy, ang bilang ng mga pumanaw ay tumaas ng 793 nuong Sabado. Ito ay ang pinaka mataas na tala sa bansa na nai-ulat sa isang araq lamang.

Ito rin ay nag-ulat ng 6, 557 na bagong inpeksyon, na nag-dala sa kabuoang bilang na 53,578.

Inanunsyo ng Italian Prime Minister na si Giuseppe Conte nitong Sabado na mas hihigpitan ng pamahalaan ang mga restriksyon.

Sinabi pa nito na ang lahat ng mga business ay ipinag-uutos na itigil muna ang kani-kanilang mga operasyon na may eksepsyon sa mga business na may kaugnayan sa produksyon sa mga kailangang kagamitan at mga serbisyo.

Nakita naman sa Spain ang bigalang pag-taas ng bilang na umabot ng mahigit 5,000 sa loob ng isang araw, at ito ay umabot nang 24,926.

Sinabi ni Prime Minister Pedro Sanchez na ito ay panimula pa lamang, na nagsusuhestiyon na patuloy pa rin ang pag-kalat o laganap ng virus.

Nag-ulat rin ang mga bansang Francr at Germany ng 1,000 kahigit na bagong kaso.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund