Ang mga ospital sa lungsod ng Nagoya kung saan ang lungsod ay ang pang-industriyang heartland ng Japan ay may mas madaming pasyente ng coronavirus kaysa sa makakaya nilang ma-accomodate kung kaya’t nakikiusap sila sa ibang kalapit na siyudad upang i-transfer ang iba pang mga pasyente.
Sinara ng Japan ang mga paaralan at kinansela ang mga public event, na sinasabi ng mga eksperto na nakatulong upang maiwasan ang isang outbreak at pagkalat ng virus. Ngunit dahil hindi pa laganap ang testing, sinabi ng ilang mga eksperto sa medikal na ang saklaw ng impeksyon ay hindi pa din nade-determina at maaaring mangyari ang isang surge ng mga pasyenteng may impeksyon.
“Kung ang mga numero ay tumaas pa, hindi namin magagawang ma-accomodate lahat, kaya’t kailangan nating hilingin ang tulong ng mga kalapit na mga prefecture, o sabihin sa mga may mas magaan na sintomas na manatili sa kanilang mga bahay, sinabi ng isang opisyal ng prefecture ng Nagoya sa Reuters
Ang kumpirmadong mga kaso ng coronavirus sa Nagoya, ang kabisera ng Aichi Prefecture, ay may kabuuang 98 as of Sunday, sinabi ng opisyal, nakulang ang 27 beds lamang na available sa lungsod sa mga ospital na nakakatugon sa mga kondisyon para sa mga pasyente na may mga nakakahawang sakit.
Ang Aichi, na tahanan ng Toyota Motor Corp, ay pangalawa sa pinakamadaming na hit na prefecture ng Japan, na may 121 na nakumpirma na mga kaso ng coronavirus hanggang ngayon. ang aichi prefecture ay may kabuuang 161 beds na may kakayahang hawakan ang mga pasyente na may ganitong sakit. Sa mga iyon, 105 na ang kasalukuyang ginagamit as of sunday kaya’t konti nalang ang natitira, sinabi ng opisyal.
Source: NHK World
Join the Conversation