Babae, ninakawan sa loob ng elevator sa Yokohama

Isang 29-anyos na babae ang ninakawan ng isang lalaki na nakasama niya sumakay sa isang elevator ng kanyang apartment building sa Yokohama noong Linggo. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBabae, ninakawan sa loob ng elevator sa Yokohama

YOKOHAMA

Isang 29-anyos na babae ang ninakawan ng isang lalaki na nakasama niya sumakay sa isang elevator ng kanyang apartment building sa Yokohama noong Linggo.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang 12:40 a.m. sa apartment building sa Minami Ward.

Sinabi ng babae sa pulisya na sumakay siya ng elevator at may isang tao na hindi niya kilala na sumunod na pumasok sa kanya, iniulat ni Sankei Shimbun. Pag sarado ng pintuan ng elevator, tinutukan siya ng lalaki ng kutsilyo at sinabihan ang babae na ibigay sa kanya ang pera.

Ibinigay ng babae ang 23,000 yen na nasa kanyang waller at bumaba ang lalaki sa elevator sa susunod na palapag. Hindi naman nasaktan ang babae.

Sinabi ng pulisya na ang lalaki ay pinaniniwalaang nasa edad na 20’s at may taas na 170 cm. Nakasuot siya ng itim na sweatsuit, black cap at sunglasses.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund