KOFU – Ang isang batang babae na junior high school ay nag-handcraft ng 612 na face mask mula sa mga materyales na binili niya gamit ang 80,000 yen ng kanyang sariling ipon na allowance upang matulungan ang mga matatanda, ulila at iba pa na nahaharap sa kakulangan ng mask dahil sa pagkalat ng coronavirus.
Si Hime Takimoto, 13, isang first year student sa Unibersidad ng Yamanashi Model Junior High School, ay bumisita sa punong tanggapan ng Yamanashi Prefectural Government sa Kofu noong Marso 17 at nag donate ng kanyang mga gawang mask kay Yamanashi Gov. Kotaro Nagasaki.
“Inaasahan ko na ang mga mask na ito ay mapapakinabangan ng maraming tao nangangailangan,” aniya. Ang mga maskara ay dapat na maipamahagi sa mga pasilidad na nangangailangan, kasama na ang mga home for the aged at sa mga naulila at napapabayaan na mga bata.
Gumastos si Hime ng 80,000 yen ng kanyang sariling pera upang bumili ng mga materyales para sa mga mask mula noong Pebrero at ginugol ang limang oras kada araw upang gawin ang mga ito, gamit ang libreng oras na mayroon siya dahil ang kanyang paaralan ay sarado dahil sa coronavirus. Ang bawat mask ay naka-pack na may kasamang mensaheng, “Hugasan ang iyong mga kamay at mag gurgle.”
“Hindi ako sanay magtahi ngunit sinubukan kong gawin ang mga ito dahil nais kong matulungan ang mga tao,” aniya.
(Japanese original ni Kenji Noro, Kofu Bureau)
Join the Conversation