Napag-desisyunan ng gobyerno ng Japan na mag-bigay ng subsidies upang matulungan ang mga kumpanya na mapadami ang produksyon ng sterilized alcohol, na sa kasalukuyan ay nagkakaroon ng kakulangan sa gitna ng pag-laganap ng coronavirus.
Ang mga operator ng mga nursing care facilities sa buong Japan ay humaharap sa matinding kakulangan ng alcohol para sa pag-disinfect. Sobrang dami ang kinakailangang alcohol mula nang kumalat ang nabanggit na karamdaman.
Upang matukoy ang problema, ang gobyerno ng Japan ay gagawa ng subsidies para sa mga gumagawa o manufacturer na nag-iinvest na mapa-laki at mapa-rami ang kapasidad ng kanilang ginagawang produkto.
Ayon sa gobyerno ito ay magkakaroon ng 2/3 ng halaga para sa isang malaking kumpanya at 3/4 naman sa maliit at hindi kalakihang kumpanya. Ang nasabing subsidies ay tinatantyang 30 milyong yen o mahigit kumulang 286,000 dolyares kada production lines.
Ayon sa industry ministry ang output ng sterilizing alcohol nuong buwan ng Pebrero ay mahigit 80 porsyento ang itinaas kaysa nuong nakaraang taon. Ngunit ito ay hindi pa rin sapat na makamit ang pangangailangan nito sa kasalukuyan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation